エピソード

  • Camille Turns 41! The Biggest Plot Twists of Our 30s, 40s & 50s!
    2026/06/09

    Birthday na ng ating paboritong Mars, Camille Prats!

    At dahil birthday episode nga ito, napunta ang chikahan sa isang bagay na sure makaka-relate tayong lahat: ang iba't ibang stages ng life.

    Ano ba ang biggest realizations kapag nasa 30s ka? Paano nagbabago ang priorities pagdating ng 40s? At ano ang mga bagay na mas naiintindihan mo pagdating ng 50s?

    In this special episode, Mars Camille shared her realizations bilang bagong 41-year-old, ikinuwento naman ni Mars Iya ang dekadang inilaan niya sa pagpapalaki ng limang kids, at syempre si Mars Suzi tungkol sa health, aging, at embracing change habang tumatanda.

    From milestone birthdays and parenting seasons to career shifts, friendship, and learning to appreciate the life you've built, this is the chikahan you don’t really wanna miss!

    One thing's for sure, mga Mars: bawat edad may challenge, pero bawat edad may sariling lessons and joy that comes with them. 💛

    Follow Kami ang Inyong Mga…

    • Youtube
    • Facebook
    • Tiktok
    • Instagram

    © 2026 A Team Dklutr Production

    続きを読む 一部表示
    47 分
  • Why Do People Do That?! Camille, Iya, and Suzi on Everyday Annoyances
    2026/06/02

    Mga Mars, ready na ba kayo sa isang episode na siguradong makaka-relate ang lahat?

    Sa episode na ito, we talk about our biggest pet peeves! Hindi ito ‘yung mga alaga naming pets ha, but ‘yung mga maliliit na bagay na minsan hindi natin napapansin pero pwedeng maka-bother sa ibang tao. Mula sa hindi paghuhugas ng kamay pagkatapos mag-CR, pag-iiwan ng kalat sa public spaces, maingay na panonood ng videos sa cellphone, hanggang sa mga simpleng household habits na pwedeng pagmulan ng inis!

    Pero na-realize rin namin na hindi lang pala ito tungkol sa mga nakakairitang gawain. At the heart of every pet peeve is a lesson about consideration, awareness, and respect for the people around us. Napag-usapan din namin kung paano natin maituturo sa ating mga anak ang pagiging mindful, responsible, at considerate sa bahay man o sa labas.

    At syempre, gaya ng lahat ng chikahan ng mga Mars, hindi mawawala ang tawanan, mga personal stories, at mga realizations na baka ikaw mismo ay guilty rin pala sa ilan sa mga pet peeves na pinag-uusapan namin!

    Tara, mga Mars, sabay-sabay nating alamin: ano nga ba ang mga bagay na dapat nating baguhin para maging mas considerate at mas mindful sa ating araw-araw na buhay?

    Follow Kami ang Inyong Mga…

    • Youtube
    • Facebook
    • Tiktok
    • Instagram

    © 2026 A Team Dklutr Production

    続きを読む 一部表示
    47 分
  • Friendships for a Reason, a Season, or a Lifetime: Handling Friendships with Iya, Suzi, and Camille
    2026/05/26

    "Adult friendship is all about quality over quantity. Okay lang kung lumiliit ang circle mo habang tumatanda, ang importante genuine, subok ng panahon, at may space para sa growth ng bawat isa."

    For today’s video, magpapanggap muna bilang mayaman ang inyong mga Mars! Samahan kami sa isang relaxing afternoon tea at heart-to-heart talk tungkol sa adult friendships habang dumaraan sa iba't ibang seasons of life. We talk about the blessing ng pagkakaroon ng low-maintenance friendships, yung walang sumbatan o tampuhan kahit na lumipas ang ilang buwan na hindi kayo nagkakausap dahil pare-pareho kayong busy sa kanya-kanyang ganaps.

    At syempre, we need to also have that convo about the insecurities kapag inaatake tayo ng friendship FOMO, lalo na kapag nakikita natin sa social media na nagkakasama ang ating circle nang hindi tayo naimbitahan, at kung paano ito ina-navigate with grace.

    We also reflect on the difference ng iba’t ibang group of friends na suited sa iba’t ibang parts ng ating buhay. Basta sa huli, we believe that Mars-hood is all about quality over quantity!

    Follow Kami ang Inyong Mga…

    • Youtube
    • Facebook
    • Tiktok
    • Instagram

    © 2026 A Team Dklutr Production

    続きを読む 一部表示
    47 分
  • Motherhood: The Good, The Bad, and The Beautiful with Iya, Suzi, and Camille
    2026/05/19

    This time, dinala namin ang chikahan sa isang much-deserved pampering session para makapag-relax at mag-recharge. Pero syempre, hindi lang basta masahe ang ganap; we also opened our hearts tungkol sa role na pinakamahalaga sa amin: ang pagiging ina!

    We talk about real-life struggles na hindi laging nakikita sa social media. Ano nga ba ang gagawin kapag inaatake ng "mom guilt"? Paano ba naba-balance ang pagiging working mom while making sure na hindi napababayaan ang mga bata?

    Mars Iya, Suzi, and Camille get vulnerable with their personal stories—mula sa pagtanggap na hindi tayo kailangang maging "perfect" para maging mabuting nanay, hanggang sa pag-recognize sa ating "village" o ang mga taong tumutulong sa atin para ma-fulfill ang ating mga mom duties.

    Ito ay para sa lahat ng nanay na pagod pero patuloy na lumalaban. It’s a mix of emotional realizations, helpful tips, and love love love! Isang malaking salute ito sa inyo, mga mom-Mars!

    Follow Kami ang Inyong Mga…

    • Youtube
    • Facebook
    • Tiktok
    • Instagram

    © 2026 A Team Dklutr Production

    続きを読む 一部表示
    44 分
  • “Love on Mars!” Suzi, Camille, and Iya Reveal How They Found the One!
    2026/05/12

    Mga Mars! Handa na ba kayo sa isang ultimate throwback at kilig session?

    Sa episode na ito, "Love on Mars" ang theme at kaming tatlo ay mag-o-open up tungkol sa kung paano ba namin nahanap (o paano kami nahanap!) ng aming "the one."

    From Mars Suzi at sa kanyang "Game Plan" days. Akalain niyo bang siya pala ang unang basher ni Paolo Abrera bago niya siya naging super crush?

    Hindi rin magpapahuli si Mars Iya sa kanyang "Aussie Girl" era sa “Click.” Sino nga ba ang unang nag-the moves sa kanilang dalawa ni Drew?

    And of course, Mars Camille shares her heart about the foundation of a lasting relationship. Mula sa pagpili sa tamang tao hanggang sa importance ng respect sa magulang at pamilya, Camille reminds us that love is more than just kilig, it is about finding the security and support that lets you shine.

    Join us in an episode na puno ng tawanan, aral, at patunay na possible pala ang "forever" sa gitna ng complicated showbiz life.

    Follow Kami ang Inyong Mga…

    • Youtube
    • Facebook
    • Tiktok
    • Instagram

    © 2026 A Team Dklutr Production

    続きを読む 一部表示
    47 分
  • “Deserve Ko ’To!” Mars Suzi, Camille, and Iya Get Real About Guilty Pleasures!
    2026/05/05

    May mga bagay talaga na… kahit alam mong “medyo mali,” hindi mo pa rin mapigilan, ‘di ba, mga Mars?

    Sa episode na ‘to, magkaka-bukingan na from food cravings hanggang sa mga shopping habits na minsan ay “tinatago” pa sa mga asawa! Pag-uusapan natin ang lahat: from dessert coffees and freshly baked bread hanggang sa classic white cheddar Cheetos at Maltesers. Aminado ang tatlo: minsan, hindi na cravings ang problema… kundi ang self-control na tuluyan nang nawala!

    Pero hindi lang basta pagkain ang chika. Kasama rin ang aming shopping confessions (hello, athleisures!), panic buying moments, at yung feeling na “deserve ko ‘to”… kahit medyo napasobra na.

    Bakit nga ba tayo nagui-guilty? At kailan ba talaga siya nagiging “too much”? It’s a mix of real talk, relatable moments, at punong-puno ng tawa. Ito yung episode na mapapaisip ka… pero mapapangiti ka rin habang kumakain ng paborito mong guilty pleasure!

    Follow Kami ang Inyong Mga…

    • Youtube
    • Facebook
    • Tiktok
    • Instagram

    © 2026 A Team Dklutr Production

    続きを読む 一部表示
    40 分
  • From Botox to Body Changes: Camille, Iya & Suzi on Beauty, Aging & Confidence
    2026/04/28

    Ano nga ba talaga ang standard ng beauty?

    Usapang kagandahan tayo, mga Mars, but not the usual kind. Hindi lang makeup, hindi lang skincare… kundi ang mga deeper questions behind it all.

    From shifting beauty standards to the rise of treatments and enhancements, pag-uusapan natin kung paano nagbago ang tingin natin sa “maganda” across eras. Mas accepting ba tayo ngayon, or mas critical dahil sa social media?

    We also share honest thoughts on Botox, procedures, and the pressure to look a certain way, especially growing up in the showbiz industry. Plus, real talk about aging, body changes, at yung reality na hindi na talaga babalik yung dati mong katawan.

    At the end of the day, bumabalik tayo sa isang tanong: para kanino mo ba ginagawa lahat ng ‘to?

    Because trends will change. Bodies will change. Seasons will change.

    Pero your body and face? Ikaw pa rin ‘yan. And maybe, that’s where real confidence starts! 🎙️

    Follow Kami ang Inyong Mga…

    • Youtube
    • Facebook
    • Tiktok
    • Instagram

    © 2026 A Team Dklutr Production

    続きを読む 一部表示
    37 分
  • Money Matters, Mars! Saving, Spending & Marriage Real Talk with Camille, Iya & Suzi
    2026/04/21

    Pera, pera, pera! Lahat tayo may kanya-kanyang kwento tungkol d’yan. 💸

    This episode, usapang money matters tayo, pero Mars-style: this is not your typical boring finance talk!

    From childhood experiences to growing up with different money mindsets, malalaman natin kung paano nag-evolve ang relationship nila with money.

    Kasama rin sa chika ang pagiging gastador vs. saver, investing early, at kung paano nga ba nagbabago ang pag-handle ng pera kapag may asawa at pamilya na. Real talk din sa dynamics ng couples: joint account ba dapat o hiwalay? Paano pag magkaiba kayo ng spending habits?

    Plus, honest confessions about impulse shopping, peer pressure, at yung mga “toxic habits” na natutunan (at unti-unting iniwan).

    At the end of the day, walang iisang tamang formula. Pero isang bagay ang clear: kailangan pag-usapan ang pera, hindi iniiwasan. 🎙️

    Follow Kami ang Inyong Mga…

    • Youtube
    • Facebook
    • Tiktok
    • Instagram

    © 2026 A Team Dklutr Production

    続きを読む 一部表示
    44 分