『Usapang 1984: Malaya Ka Ba o Akala Mo Lang?』のカバーアート

Usapang 1984: Malaya Ka Ba o Akala Mo Lang?

Usapang 1984: Malaya Ka Ba o Akala Mo Lang?

無料で聴く

ポッドキャストの詳細を見る

Lagi nating naririnig ang salitang "Orwellian" sa balita, sa Twitter/X, sa mga debate tungkol sa social media. Pero saan ba galing ito? Sa episode na ito, binalikan nina Lennon at Russel ang 1984 ni George Orwell: isang classic na dystopian novel na parang sumasalamin din sa kasalukuyan nating lipunan.

Pag-uusapan natin kung paano ginagamit ng Partido sa nobela (Ingsoc) ang wika (Newspeak), kasaysayan (memory holes), at pati na rin ang pag-ibig at katotohanan bilang mga instrumento ng kontrol. Titingnan din natin kung paano bumabagay ang mga tema ng librong ito sa ating sariling karanasan bilang mga Pilipino: mula sa Martial Law hanggang sa disinformation sa social media ngayon.

##Aabangan mo rito:

  • Bakit isinulat ni Orwell ang 1984 noong 1948, at bakit hindi lang ito tungkol kay Stalin.

  • Ang tatlong sagradong slogan ng Partido at kung paano gumagana ang doublethink sa totoong buhay.

  • Paano nawawala ang katotohanan kapag pinapatay ang wika (Newspeak) at bakit mahalaga ito ngayong panahon ng fake news.

  • Ang koneksyon ng 1984 sa ating sariling kasaysayan ng Martial Law at sa tinatawag na "historical revisionism."

  • Isang pananaw na Katoliko: bakit ang totalitarianism ay hindi lang isyung pampulitika, kundi isyu ng dignidad ng tao.

  • Ang tanong na iiwan sa'yo ng libro: kaya mo bang mag-isip nang malaya, kahit walang nakikinig?

Kung tuwing nababasa mo ang balita ay may bumubulong sa isip mo na, "para tayong fulfillment ng 1984," para sa'yo ang episode na ito.

> At kung tumama sa puso mo ang episode na ito, i-share mo sa kaibigan, i-post gamit ang hashtag #tuumt, at i-tag kami sa socials. Follow us on: Facebook, Threads, TikTok & Instagram — @tamangusapanpodcast. Email your story or question: tamangusapanpodcast@gmail.com


adbl_web_anon_alc_button_suppression_t1
まだレビューはありません